1,906 COVID-19 cases, naitala ng DOH sa nakalipas na linggo

May 1,906 COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Sa datos ng DOH, mula March 28 hanggang April 3, nasa 272 ang average na daily cases ng COVID- 19 ang kanilang naitala na mas mababa ng 29% kumpara sa naitala nitong nakaraang linggo.

Wala namang naitalang bagong kaso ng severe at critical na COVID- 19 .

Habang may 428 naman ang naitalang bagong nasawi.

Pero ayon sa DOH, ang 31 rito ay nasawi nitong Abril, 65 nitong Marso, 45 noong Pebrero, 51 noong Enero at ang iba ay noong 2021 at 2020 pa.

Madelyn Villar -Moratillo

Please follow and like us: