Apat na sangkot sa Agricultural smuggling,papangalanan ng Senado

Papangalan na ng Senado ang apat na personalidad na itinuturong nasa likod ng smuggling ng mga Agricultural product.

Ayon kay Senate president Vicente Sotto, ang pangalan ng apat ay isinumite sa kanya ng isang whistleblower.

Hindi aniya kilala ang pangalan ng apat kaya hindi pa malinaw kung ano ang kaugnayan nila sa umanoy mga kilalang tao at umano’y naka pwesto sa gobyerno na nauna nang tinukoy ng isang opisyal ng Department of Agriculture na umanoy pumipigil para kasuhan ang mga smuggler.

Pero batay sa nakuha nyang impormasyon ang mga ito ang nag iimport at nag i smuggle ng mga imported na gulay.

Sinabi ni Sotto bibigyan nila ng pagkakataon ang mga taga Bureau of Customs at D-A para pagpaliwangin sa mga lumutang na pangalan.

Mapipilitan aniya siyang imbitahan o ipasubpoena ang apat kung makakakuha ng sapat na impormasyon na mag uugnay sa kanila sa smuggling.

Meanne Corvera

Please follow and like us: