1st Roxas, Palawan Indigenous Peoples Tribal Games 2017, at Medical and Dental Services, idinaos

w

Ginanap ngayong araw ang 1st Roxas Palawan Indigenous Tribal Games sa Peoples Park Plaza sa bayan ng Roxas Palawan.

Sa nasabing okasyon tampok ang mayamang pamanang kultura ng mga taga-Roxas sa pamamagitan ng Indigenous games at presentation ng mga cultural dance.

Ang nasabing proyekto ay alinsunod sa ipinalabas na Memorandum order  558 series of 2017 ng Office of the Municipal Mayor na nilagdaan ni Hon. Maria Angela V. Sabando na pinasimulan ng

Joint Tasked Group of North at sama-samang binuo ng Local Government , Provincial Gov’t of Palawan, 4th Marine Batallion, 3rd Marine Brigade at PNP.

Mayroon ding Medical and Dental Services ang mga nasa Naval Forces at 4th Marine Batallion at pamamahagi ng mga libreng gamot para sa mga magpapakonsulta.

Dumalo sa nasabing aktbidad ang mataas na opisyal ng Western Command na si Lt. Gen. Raul del Rosario at Phil. Marine Deputy Commander of 3rd Brigade Nestor Herico.

Ulat ni: : Anne Ramos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.