2 mangingisda nasagip ng PCG sa Palawan

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG at Bantay dagat ang dalawang mangingisda sa bahagi ng Sitio Ariringon, Barangay Iraan, Rizal, Palawan.

Kinilala ang mga biktima na sina Regie Nalang at Reymond Talaver.

Batay sa ulat ng PCG, lulan ng bangka ang mga biktima para mangisda sa karagatang sakop ng Barangay Iraan sa nasabing bayan nang biglang masiraan ang makina ng bangka.

Agad namang nakahingi ng tulong ang mga biktima sa PCG at Bantay dagat na siyang rumisponde at sumagip  sa kanila.

Hinila din ang nagkaaberyang bangka sa dalampasigan ng Barangay Iraan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *