2 pang sugatang Pinoy crew ng barkong inatake ng Houthi, nakauwi na sa bansa

Courtesy : OWWA

Nakabalik na sa Pilipinas ang dalawa pang nalalabing Pilipinong crew ng MV True Confidence na inatake ng rebeldeng Houthi.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nagtamo ng malulubhang sugat ang dalawang Pinoy dahil sa missile attack ng Houthi sa kanilang barko noong Marso 6.

Pinayagan silang makauwi sa bansa matapos na makakuha ng fit to travel clearance mula sa Djibouti hospital.

Dumating ang dalawa ng 6:45 ng umaga ng Huwebes sakay ng chartered medical evacuation flight mula Djibouti.

Sinabi ng DMW na sinalubong ang dalawa ng medical team at dinala sa pagamutan para ituloy doon ang pagpapagaling.

Nakapiling na rin ng mga tripulante ang kanilang pamilya sa ospital.

Humiling naman ng privacy ang mga crew at kanilang pamilya.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *