2 patay, 1 nakatakas sa isinagawang drug buy bust operation sa Quezon City

 

Patay ang dalawang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation ng QCPD Station 2 Special Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency sa Sitio San Roque Barangay Bagong Pagasa Quezon City.

Nang napasok ng mga operatiba ang iskwater area  sa lugar nakipagpalitan na ng putok ang mga ito sa mga operatiba.

Kinilala ang dalawang napatay na sina Alexander Matibag at Ronald Martinez matapos na makipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Ang dalawang napatay na suspect ay hindi kilala ng mga residente sa lugar at dumayo lamang ang mga ito para magbenta ng shabu.

Narekober  sa crime scene ang ilang sachet ng shabu, 500 pesos na drug buy bust money at dalawang kalibre 45 na baril.

Nakatakas naman ang isang kasamahan ng dalawang suspect na pinangalanang Nante at kasalukuyan pang hinahunting ng mga otoridad.

Ulat ni : Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *