2 patay, 5 sugatan sa banggaan ng 2 water vessels sa Batangas City

Courtesy : Philippine Coast Guard

Nagkabanggaan ang dalawang sasakyang pangdagat sa Matoco Point, Batangas City.

Ayon sa Philippine Port Authority, umalis sa Batangas Port ang MV Ocean Jet 6 bandang 11:26 ng umaga ng Miyerkules at patungo sana sa Calapan, Oriental Mindoro.

Pero nakabanggaan nito ang water taxi ng Hop and Go 1 na galing sa Calapan at papunta naman sana sa Bauan, Batangas.

Nangyari ang insidente pasado alas 12:00 ng tanghali.

May sakay na 5 pasahero at 4 na crew ang Hop and Go 1 habang ang MV Ocean Jet 6 naman ay may 105 na pasahero at 19 na crew.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), dalawa na ang nasawi sa insidente, habang sugatan naman ang limang dayuhang sakay ng water taxi.

Ligtas naman ang mga sakay ng MV Ocean Jet 6.

Hinatak na rin patungong Mindoro ang nasabing water taxi.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *