2 patay higit 40 nasugatan sa lindol na tumama sa Leyte

Dalawa ang patay sa nangyaring magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Leyte.

Ayon kay Mayor Rowena  Codilla , isa ang namatay sa  Kananga Leyte.

Sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na isa rin ang patay sa kanyang nasasakupang lugar.

Dagdag pa ni Mayor Gomez nasa 41 katao ang nasugatan dahil sa lindol.

Agad naman aniyang dinala sa  ospital ang mga nasugatang biktima.

Samantala,  nagdulot din ng power outage  sa  Taclocan City at  Ormoc City ang nasabing lindol.

Tumama ang lindol , walong kilometro ang layo  sa Southwest ng  Bayan ng Jaro.

May  lalim itong dalawang kilometro.

Naramdaman  ang pagyanig  sa lakas na intensity 5 sa Tacloban at Palo Leyte  at maging sa Cebu City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *