2 patay, pito sugatan sa riot sa Camp Bagong Diwa, Taguig City

Dalawa  ang nasawi at pito ang sugatan sa riot na naganap sa sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology,  kagabi pa nagsimula ang riot ng mga miyembro ng Sputnik at Bahala na gang.

Inaalam pa ng BJMP kung pawang mga preso ang nasawi at nasugatan sa riot.

Nabatid na isang linggo nang walang suplay ng kuryente sa nasabing bilangguan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *