2 sasakyang pandagat nagbanggaan sa Batangas

Nagkabanggaan ang 2 sasakyang pangdagat sa Matoco Point, Batangas City.

Ayon sa Port Management Office ng Batangas base sa ulat ng Vessel Traffic Management System, umalis sa Batangas Port ang MV Ocean Jet 6 bandang 11:26 ng umaga kanina at patungo sana sa Calapan Oriental Mindoro.

Pero nagkabanggaan ito at water taxi ng Hop and Go ! na patungo naman ng Batangas Port kaninang pasado alas dose ng tanghali.

Agad naman itong inireport sa Philippine Coast Guard kaya mabilis na nakapagsagawa ng rescue operation sa mga pasahero ng dalawang sasakyang pandagat.

Ang Hop & Go 1 ay may sakay na 5 pasahero at apat na crew, habang ang MV Ocean Jet 6 naman ay may 105 na pasahero at 19 na crew.

Sa ulat ng PPA, isang crew ng Hop & Go ang nasawi habang ligtas naman ang iba pa.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *