2 sundalo patay matapos tambangan ng mga miyembro ng NPA sa Abra

Patay ang dalawang sundalo matapos tambangan ng mga miyembro ng new peoples army sa Brg. Gacab, Malibcong, Abra.

Batay sa report, patungo sa Baay-Licuan para sa Disaster Response Operations (DRO) ang mga sundalo nang tambangan ng Communist Terrorist Group (CTG) na ikinamatay ng dalawang sundalo habang ang isa ay nawawala.

Ang apat na sundalo ay pina-recall ng kanilang battalion headquarters para tumulong sa Disaster Response Team matapos tumama ang magnitude 6.7 magnitude na lindol .

Tiniyak naman ni Lt. Col. Ricardo Garcia III, ang commander ng 24th infantry battalion na tutugisin ang mga komunista upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng dalawang sundalo.

Cherry Ann Tuazon

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *