20 patay, 50 sugatan sa bomb explosion sa concert ni Ariana Grande sa Britain

Dalawampu ang patay at  limampu ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa concert ng US singer na si Ariana  Grande  sa Britanya.

Nabatid na dalawamput isang libo ang nanonood ng concert ni Ariana nang mangyari ang pagsabog.

Ayon sa testigong dumalo sa concert , naramdaman niya ang pagsabog nang papalabas na  siya ng Manchester Arena kasunod na sigawan  at pagtatakbuhan ng libu libong tao.

Ang Manchester Arena  na pinakamalaking indoor Arena sa Europe  ay  nagbukas noong 1995 at  sikat na  concert at  sporting  venue.

Ayon sa tagapagsalita  ni Ariana, ligtas naman ang singer.

Ang Britanya  na nasa second  highest alert level  ng “severe”  na nangangahulugang  may posibilidad ng pag atake ng mga terorista.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *