21 bagong hukom itinalaga sa iba’t ibang korte sa Luzon

Natanggap na ng Korte Suprema ang appointment letters para sa mga bagong hukom sa iba’t ibang korte sa Luzon.

Kabuuang 21 bagong judge ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa mga korte sa Central Luzon.

Sa Bulacan, itinalaga ang mga judge sa Meycauyan RTC, San Jose Del Monte RTC at MTCC, Bocaue MTC, Guiguinto MTC, San Miguel MTC, at San Rafael MTC.

Sa Nueva Ecija naman ay sa Cabanatuan RTC, Guimba RTC at MTC, Camiling RTC, Cuyapo MTC, at Gapan City MTCC.

May judge din na hinirang sa Camiling, Tarlac RTC.

Ang appointment letters ay pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Moira Encina

Please follow and like us: