Pangulong Duterte , walang manok na presidential candidate sa May 9 Election

Walang napipisil sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahang kandidato sa pagka-pangulo para sa halalan sa Mayo.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People.

Sinabi ng Pangulo na lahat ng mga presidential aspirant ay nakikiusap at nais humingi ng kanyang indorsement.

Ayon sa Pangulo maaaring magbago ang kanyang pasya kung mayroon siyang makitang mabigat na dahilan para ibigay ang kanyang suporta sa isang presidential aspirant.

Magugunitang ang ruling party PDP Laban Alfonso Cusi wing kung saan tumatayong Chairman ang Pangulo ay nagbigay na ng suporta kay Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na tumatakong Vice President ni dating Senador Bongbong Marcos.

Vic Somintac

Please follow and like us: