214 violators hinuli ng mga tauhan ng Northern Samar Police dahil sa hindi pagsusuot ng Facemask at Face shield

Aabot sa 214 violators ang hinuli ng mga tauhan ng PNP Northern Samar sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.


Ito ay dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield na isa sa mga ordinansang inilabas ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan.


Ang mga hinuli ay isinailalim sa orientation at pinapag community service. 


Pinaalalahanan din ng mga otoridad ang mga nahuling violator na dapat na nilang ugaliing mag suot ng facemask at faceshield dahil sa banta ng covid 19 sa kanilang lalawigan.

Jet Hilario

Please follow and like us: