Riding in tandem patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caluan Laguna

Patay ang riding in tandem sa isinagawang follow up operation ng mga otoridad matapos silang makatanggap ng sumbong mula sa isang sibilyan sa Calauan, Laguna.


Agad na natunton ng mga pulis ang hideout ng mga suspek sa brgy. Balayhangin sa Calauan. 


Sa salaysay ng biktima, tinutukan umano ito ng mga suspek ng baril at inagaw ang kaniyang motorsiklo.


Napatay ang dalawang suspek habang isang pulis naman ang sugatan sa pamamaril.


Nabawi sa mga supek ang ninakaw na dalawang motorsiklo mga baril at mga bala.


Kasalukuyan nang inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek habang nagpapagaling naman sa ospital ang sugatang pulis.

Ulat ni Ronaldo Duran

Please follow and like us: