22 Pinoy seafarers mula Ukraine, ligtas nang nakauwi sa Pilipinas

Dumating na kagabi ang karagdagang 22 Filipino seafarers mula Ukraine.

Sila ay mga crew member ng MTM Rio Grande oil tanker na nakadaong sa Nika-Tera port sa Ukraine.

Ang mga umuwing Pinoy ay mainit na sinalubong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Ninoy Aquino International Airport.

Nauna nang ipinag-utos ng gobyerno ang mandatory evacuation sa mga Pilipino sa Ukraine matapos itaas ng DFA sa Alert Level 4 ang sitwasyon doon.

Ipinatupad na rin ang total deployment ban ng mga Pilipino sa Ukraine kabilang ang mga direct hire.

Please follow and like us: