Panibagong malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo, muling ipatutupad sa linggong ito

Panibagong malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang muling sasalubong sa mga motorista sa mga susunod na araw.

Sa fuel forecast ng ilang oil companies, posibleng sumirit pa sa P12.20 hanggang P12.30 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel.

Habang maaaring pumalo pa sa P6.80 hanggang P7.00 ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.

Kung sakali, ito na ang ika-11 magkakasunod na linggong oil price hike sa bansa.

Please follow and like us: