23 volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan

Tiniyak ng PHIVOLCS  ang mahigpit na pagbabantay sa Mt. Bulusan sa Sorsogon kahit sa panahon ng mahabang bakasyon makaraang makapagtala sila ng 23 volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag.

Sa report ng PHIVOLCS, may namataang usok sa Northeast section ng bulkan.

Kaugnay nito, nananatili ang alert level one (1) dahil sa abnormalidad ng Mt. Bulusan.

Nangangahulugan ito na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa four-kilometer radius permanent danger zone at kung lulubha pa ang volcanic activity ay ipagbabawal na rin ang paglapit sa extended danger zone.

Nilinaw naman ng PHIVOLCS na walang kaugnayan sa bulkang Bulusan ang naitalang 5.4 magnitude na lindol kahapon sa Bicol at Eastern Visayas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *