24 na manggagawang pinoy, nanatili sa Afghanistan

Dalawamput apat pang manggagawang pinoy ang nananatili sa Afghanistan na kontrolado ngayon ng Taliban.

Sa abiso ng Department of foreign affairs ang dalawampu’t apat ay may plano namang sumama sa repatriation pero sa pamamagitan ng iba’t ibang channels.

Sa latest bulletin ng DFA , dalawang pinoy pa ang nakaalis na sa Afghanistan.

Isa sa kanila nasa Doha habang ang isa pa ay nasa Qatar na .

Walo pa ang naghihintay na lamang na mailikas .

Sa ngayon ay aabot na sa 187 na mga overseas filipino workers ang nailikas sa naturang bansa.

Mariin namang kinondena ng DFA ang pag-atake ng mga terorista at nagpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa karahasan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: