Senador Pacquiao handang tumakbo bilang independent, Dating Senador Bongbong Marcos nakikipag-usap na raw sa kampo ni Pacman

Pinaghahandaan na ni Senador Manny Pacquiao na sumabak sa Presidential elections bilang Independent.

Itoý kung hindi kikilalanin ng COMELEC ang kanilang partido bilang orihinal na PDP laban.

Sinabi ni Ron Munsayac , Executive Director ng partido na marami ang partidong nag-aalok kay Pacquiao pero nanindigan itong hindi tatalikuran ang PDP laban.

Gayunman, pinaghahandaan aniya nila ang anumang magiging desisyon ng COMELEC na maaring ilabas ngayong Setyembre.

Samantala, Kinumpirma ni Senador Imee Marcos na nakikipag-usap na ang kaniyang kapatid na si Senador Bongbong Marcos sa iba’t ibang partido pulitikal .

Kasama aniya sa kinakausap ni Marcos ay ang grupo ni Pacquiao.

Meanne Corvera

Please follow and like us: