27 pang OFWs mula sa Israel, dumating sa bansa

Umaabot na sa 362 OFWs mula sa Israel ang umuwi sa bansa mula nang sumiklab ang away sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), binubuo ng 27 OFWs ang latest batch na dumating sa bansa.

Mula sa nasabing bilang, 25 ay caregivers at dalawa ay hotel workers.

Lumapag sa NAIA Terminal 3 ang ika-11 batch ng Pinoy ng 3:15 ng hapon noong Lunes.

Tumanggap ang bawat isang OFW returnees ng financial assistance mula sa OWWA, DSWD at TESDA.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *