300 hanggang 400 na libong botante madaragdag sa voter’s list

Hinikayat ng Commission on Elections ang publiko na samantalahin ang nagpapatuloy na voter registration na ngayon ay nasa ika apat na araw na.

Ayon kay Comelec spokesman Attorney John Rex Laudiangco, nasa 300 hanggang 400 libong botante ang madadagdag sa listahan ng mga botante.

Sa datos ng Comelec may 66 milyon ang magiging botante sa susunod na eleksyon sa Barangay habang mahigit 23 milyon naman sa Sangguniang Kabataan elections.

Ang voter registration ay hanggang sa Hulyo 23 lang.

Bukas ang Comelec offices mula 8am hanggang 5pm mula Lunes hanggang Sabado.

Bagamat una ng sinabi ng poll body na maiksi lang ang voter registration dahil batay sa nakasaad sa batas, 120 araw bago ang halalan dapat gawin ang voter registration may mga panawagan naman para sa extension nito.

Iyon nga lang wala parin daw tugon dito ang Comelec en banc .

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: