314 pulis, nagsipagtapos ng kanilang Basic Training Course on Internal Security Operation sa Sara, Ilo-ilo

Nasa mahigit tatlongdaan o kabuuang 314 na mga pulis mula sa PNP Regional Office 6 ang nakapagtapos ng kanilang Basic training course on Internal Security Operation sa Sara, Ilo-ilo. 


Ang mga police personnel ay animnapung araw dumaan sa iba’t ibang training para mas lalo pang malinang ang kanilang mga kakahayan sa pakikipaglaban at pagsugpo sa mga krimininalidad sa bansa.


Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ng trained policemen ang kanilang deployment for duty sa rehiyon para magamit ang kanilang mga natutuhan sa pagsasanay. 

photo credits: PNP Reg. 6

Ulat ni Raindel Servento

Please follow and like us: