32 na bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant natukoy sa bansa – DOH

Kinumpirma ng Department of Health na may 32 bagong kaso ng BA.5 omicron subvariant na natukoy sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ang 21 sa mga ito ay mula sa Region 6 na nakita sa isang cluster sa workplace, 4 sa Region 4A, 4 sa National Capital Region, at 3 sa Region 3.

Ang 30 sa kanila ay fully vaccinated na, ang 1 ay partially vaccinated habang inaalam naman ang estado ng iba.

Ang 22 sa kanila ay nakitaan ng mild na sintomas, 5 ay asymptomatic habang bineberipika naman ang iba.

Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay hindi pa tukoy ang travel history ng mga ito.

Pero, 16 sa kanila ang nakarekober na, 14 ang sumasailalim pa sa isolation habang inaalam naman ang sitwasyon ng iba pa.

Sa kabuuan, nasa 43 na ang naitalang kaso ng BA.5 sa bansa.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: