38 Pinoy sa Gaza nais na makauwi ng Pilipinas dahil sa bakbakan doon –DFA

Siyam na pamilyang Pilipino sa Gaza ang nagpahayag ng intensyon na makabalik ng Pilipinas bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Embahada ng Pilipinas sa Amman, Jordan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza, ang siyam na pamilya ay binubuo ng 38 Pilipino at 11 asawang Palestinian ng mga ito.

Mula sa 38 Pinoy, 17 ay mga menor de edad na nasa pagitan ng dalawang taon hanggang 15 taong gulang.

Sa ngayon ay wala pang natatanggap ang DFA na repatriation requests mula sa mga Pinoy sa Israel.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *