4 sa 8 pinoy galing China na nagpositibo sa COVID-19 nakitaan ng subvariants ng Omicron

Nagpositibo sa subvariants ng Omicron ang 4 sa 8 pinoy na una ng nagpositibo sa COVID- 19 pagdating sa Pilipinas mula sa China.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, direktor ng Epidemiology Bureau ng Department of Health,
ang 3 rito ay nagpositibo sa BF.7 habang ang isa ay sa BA.5.2.

Ang dalawang ito ay kapwa sublineage ng BA.5 na subvariant ng Omicron.

Ang BF.7 ang sinasabing dahilan ng nangyayaring surge ng covid cases sa China ngayon.

Ang 8 na ito ay hindi bakunado kontra COVID- 19.

Nakaranas sila ng mild na sintomas ng virus at agad rin namang isinailalim sa isolation.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *