4,000 Empleyado ng Miascor, umapila kay Pangulong Duterte

Umapila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 4,000 na mga empleyado at pamunuan ng airline service provider na Miascor na mawawalan ng hanapbuhay.

Ito ay dahil hanggang Abril na lamang ang operasyon ng Miascor matapos ipakansela ang kontrata nito dahil sa insidente ng pagnanakaw ng bagahe sa isang pasahero sa Clark International airport sa Pampanga.

Umaasa ang pamunuan at mga empleyado ng Miascor na magbabago ang desisyon ni Pangulong Duterte at ikunsidera ang mga mawawalan ng trabaho.

Iginiit ng nasabing airline service provider na hindi dapat idamay ang iba nilang empleyado na nagtatrabaho ng maayos lalu’t naparusahan naman ang anim na personnel na itinurong nagnakaw sa bagahe ng isang pasahero.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *