43 pulis, nakarekober sa Covid-19

12063325_986623251378931_3560716417004393481_n

Karagdagang 43 police personnel ang nakarekober sa Covid-19.

Ayon sa Philippine National Police, dahil sa karagdagang mga gumaling ay umakyat na sa 7,206 ang recovered cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Samantala, nasa 16 bagong mga kaso naman ang naitala ng PNP kaya umakyat na sa 7,269 ang covid-19 cases.

Wala namang naitalang panibagong mga namatay dahil sa karamdaman kaya nananatili sa 24 ang death toll sa PNP.

AddThis Website Tools