PNP Chief Sinas, namahagi ng mga pagkain at PPE sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Police Chief General Debold Sinas ang feeding program sa mga pamilya na sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan.

Kasama ni Sinas si PRO-2 Regional Director Brig. General Crizaldo Nieves sa pamamahagi ng pagkain.

Maliban sa feeding program, nagbigay rin ng mga regalo ang PNP sa mga apektado nating kababayan.

Isinagawa ang programa sa Tuguegarao East Central School at Cathedral Gymnasium na nagsilbing evacuation centers.

Namahagi rin ng personal protective equipment (PPE) ang PNP chief upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 virus.

Please follow and like us: