500 bahay, natupok ng sunog sa Port Area, Maynila

Nasa 1,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog sa isang 4-storey house na pagmamay-ari ni Hadji Usman sa 11 st. corner Rail Road st., Barangay 650, Port Area.

Mabilis kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan na pawang mga yari sa light materials.

Nagsimula ang sunog alas-5:47 ng hapon at itinaas sa ikatlong alarma ng 6:03 ng gabi.

Alas-7:44 na ng gabi nang maideklara itong fire-out.

Nasa 500 bahay ang natupok ng sunog at tinatayang aabot sa limang milyong piso ang halaga ng pinsala.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naging sanhi ng sunog.

Please follow and like us: