DSWD, namahagi ng payout para sa Livelihood Assistance Grant sa Diffun, Quirino

Pnangunahan ni DSWD Asst. Secretary Victor Neri, ang payout sa 81 beneficiaries ng Livelihood Assistance Grant (LAG) at 192 Financial Assistance to Typhoon Ulysses-affected Families, na ginanap sa Quirino State University (QSU) Gymnasium sa Bayan ng Diffun, sa Quirino.

Ayon kay Asec Neri, ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng Php3,000-Php5,000 cash aid at nangakong patuloy na ibababa ang serbisyo publiko sa taong bayan, habang ang Pangulong Duterte ay nakaluklok pa sa Malacañang.

Samantala ay nagbahagi ng kanyang virtual message si Sen. Bong Go para sa mga Quirinian, at hinikayat niya na ugaliin ng bawat isa na sumunod sa mga panuntunan at panatilihin ang pagbabayanihan.

Sa pamamagitan ni Mr. Patrick Sulit mula sa Office of Sen. Bong Go, ay kaniyang ipinaabot ang mga bitamina, face shields, mga bisekleta, sapatos, tablet at mumunting memorabilia na labis namang ikinatuwa ng mga dumalo.

Ulat ni Edel Allas

Please follow and like us: