5,279 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong araw

Pumalo na sa 60,957 ang active cases sa bansa ng Covid-19.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 5,279 kaso ngayong Linggo.

Dahil dito, umabot na sa 2,756,923 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

May naitala rin ngayong araw na karagdagang 7,312 na mga gumaling kaya pumalo na sa 2,654,173 ang kabuuang nakarekober sa karamdaman.

Habang nakapagtala ng bagong 208 bagong mga namatay kaya umabot na sa 41,793 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: