5,651 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong Lunes

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,651 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 1,513,396 ang kabuuang bilang ng mga kaso at nasa 47,561 ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng bagong 5,332 na mga gumaling sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,439,049 ang kabuuang nakarekober sa bansa sa virus infection.

May naitala ring bagong 72 na mga namatay kaya umakyat na sa 26,786 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: