Public engagement ni PRRD, mananatiling limitado dahil sa banta ng Covid-19 Delta variant

Mananatiling limitado ang mga public engagement ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa banta ng Delta variant ng COVID 19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kahit noong wala pa ang Delta variant ng COVID 19 ay limitado lamang ang public engagement ng Pangulo.

Ayon kay Roque ang personal na pinupuntahan ng Pangulo ay mga events na pawang mahalaga at kailangan ang kanyang presensiya.

Inihayag ni Roque anumang rekomendasyon ng mga health experts ay pinakikinggan at sinusunod ng Pangulo.

Niliwanag ni Roque na handang ipatupad ng Malakanyang ang anumang rekomendasyon ng mga eksperto lalo na sa pagharap sa kaso ng Delta variant sa bansa.

Batay sa report ng Department of Health o DOH bagamat may naitala ng local cases ng Delta variant sa bansa wala pa namang maituring na community transmission kaya nananatiling kontrolado at manageable ang problema.

Vic Somintac

Please follow and like us: