582 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong araw

Nakapagtala ng 582 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,837,464 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 10,167 aktibong kaso.

Samantala, mayroong 494 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,776,727 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19.

May 74 namang naiulat na bagong nasawi, kaya umabot na sa 50,570 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus infection.

Pero ayon sa DOH, sa 74 deaths na ito, 9 lang ang nasawi ngayong Disyembre 11 noong Nobyembre, 23 noong Oktubre, 18 noong Setyembre, 11 noong Agosto, 1 noong Hulyo, at 1 noong Pebrero.

Please follow and like us: