Price freeze sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette

Ipapatupad ang price freeze sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

Sinabi ni Trade and industry Secretary Ramon Lopez , kailangan ding tiyakin na tuloy tuloy ang supply chain at kaagad na maisagawa ang clearing operations sa mga daan na nasira ng bagyo.

Malawak ang naging pinsala ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Sa inamyendahang price act magiging otomatiko ang price control ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na napinsala ng kalamidad.

Please follow and like us: