5,867 new COVID-19 cases, naitala ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 5,867 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong Martes, Marso 23, 2021.

Dahil dito, umakyat na sa 677,653 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 86,200 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 620 na naitalang bagong gumaling kung kayat umabot na sa 578,461 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.

May naragdag namang 20 na bagong nasawi dahil sa virus. Sa ngayon umabot na sa 12 992 ang kabuuang bilang ng mga nasasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: