59 percent ng mga Health workers sa Ilocos Region, nabakunahan na

Aabot na sa 46,789 indibidwal o katumbas ng 59 porsyento ng mga Healthcare workers sa rehiyon ng Ilocos ang nabakunahan na kontra Covid-19.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Ilocos information officer, nasa 14,700 ang nakakumpleto na ng kanilang first at second doses at inaasahang tataas pa ito sa pagdating ng mga karagdagang bakuna ngayong Mayo hanggang Hunyo.

Samantala, sinabi pa ni Bobis na nasa 3,991 Senior Citizen na ang nabakunahan sa rehiyon.

Please follow and like us: