Top 5 most wanted person sa San Fabian, Pangasinan, nadakip sa Ifugao

Nadakip sa Ifugao province ang itinuturing na Top 5 most wanted criminal sa San Fabian, Pangasinan.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest, inaresto ang suspect na si Antonio Dulnuan Jr., ng pinagsanib na puwersa ng PNP San Fabian at PNP Maritime.

Si Dulnuan ay may kasong murder matapos nitong mapatay umano ang biyenan nito at hipag na buntis noong 2016 sa Barangay Rabon, San Fabian.

Nakakulong na si Dulnuan sa San Fabian police station.

Herminiano Diano, EBC Correspondent

Please follow and like us: