60 milyong indibidwal sa bansa fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 128 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, sa ngayon, nasa 60 milyon na ang fully vaccinated sa bansa habang may 60.6 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

May mahigit 8 milyon naman ang nakatanggap na ng booster shot.

Patuloy namang hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na kontra COVID- 19 at samantalahin ang nagpapatuloy pang Bayanihan Bakunahan part 3 na ginagawa sa buong bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: