3 pamilya nawalan ng bahay dahil sa sunog

Tatlong pamilya ang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog kaninang pasado 9:00 ng umaga sa Jurado st. Pandayan Meycuayan City Bulacan.

Bagaman gawa sa mga light materials ang mga bahay, hindi na ito kumalat pa sa ibang pang kalapit bahay at naideklara itong fireout bandang 10:00 ng umaga.

Ayon sa mga kapit bahay, naiwang nakasaksak na appliances ang dahilan ng naging sunog.

Wala ang may-ari ng bahay nang nangyari ang insedente.

Ulat ni Ces Rodil/ Ian Tolentino

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *