2017 MISS Universe Demi Leigh Nel-Peters nasa Pilipinas na

Nasa bansa na si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters para makibahagi sa apat na araw na Miss Universe 2017 Winners Tours program ng Department of Tourism.

Halos magkasabay na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 si Peters at si 2016 Miss Universe Iris Mittenaere na lulan ng magkaibang flights.

Sasamahan rin sila ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa aktibidad sa Pilipinas. Makakasama ng dalawa ang ibang mga kandidata ng Miss Universe 2017.

Magkahiwalay naman na bibisitahin nina Peters at Mittenaere ang ibang bahagi ng bansa. Sa Batanes ang bisita ni Nel-Peters habang sa Bohol naman si Mittenaere.

Matapos ang kanilang tour ay dadalo sila sa Women of Significance Gala Night sa Disyembre 9 na gaganapin sa Sofitel Manila.

Habang sa Disyembre 10 ay babalik na sa kanilang mga bansa ang mga beauty queens.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *