68 staff sa headquarters ng tambalang Marcos at Duterte positive sa COVID- 19

68 na sa mga staff na nagtatrabaho sa headquarters nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at katandem na si Mayor Sara Duterte ang positive sa COVID- 19.

Dahil dito, mananatiling sarado ang headquarters sa loob ng isang linggo.

Sa isang statement, sinabi ng kampo ni Marcos na matapos magpositibo sa antigen test ang 30 staff, nagsagawa sila ng mass testing kung saan lumitaw na positive ang 68 mga empleado sa RT PCR test.

Kasama sa nagpositibo sa virus ang kaniyang chief of staff at spokesman na si Atty Vic Rodriguez at mga close in security kung saan na exposed naman si Marcos.

Meanne Corvera

Please follow and like us: