Mga korte sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, wala munang in-court hearings

Mananatiling bukas ang mga first-at second- level courts sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Gayunman, batay sa inilabas na sirkular ng Office of the Court Administrator, limitado lang ang operasyon ng mga nasabing hukuman sa mga urgent na transaksyon mula Enero 10 hanggang 14.

Wala ring maximum o minimum skeleton workforce na ipatutupad sa mga naturang korte.

Sa halip ay ipauubaya sa mga executive judges o presiding judges ang pagdetermina kung ilan ang mga kawani na kailangan na pumasok on site mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Hindi rin muna pinapayagan ang pagsasagawa ng in-court hearings.

Tanging videoconferencing hearings sa mga pending na kaso urgent man o hindi na nakaiskedyul sa nabanggit na petsa ang maaaring idaos ng mga hukom.

Bawal din muna ang personal filing o service ng lahat ng pleadings, mosyon, at court submissions maliban sa criminal case.

Moira Encina

Please follow and like us: