7 sakay ng lumubog na motorbanca sa Sasa, Davao City, nasagip ng Coastguard

Courtesy: Philippine Coast Guard

Nasagip ng mga tauhan ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ang 7 sakay ng isang lumubog na motorbanca sa Sasa, Davao City.

Ayon sa PCG, patungo sana sa Samal Island ang bangka ng makasalubong ito ng malalakas na alon.

Dahil sa lakas ng alon at current ng tubig kaya lumubog ang bangka.

Nasuri na rin ng medical team ang mga nailigtas na inidbidwal at nasa maayos na silang kondisyon.

Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *