750 na mga persons with Comorbidity, nabakunahan na ng Sinovac sa Tagaytay city Cavite

courtesy: Tagaytay City Health Office


Nabakunahan na ng Sinovac ang nasa 750 mga rehistradong comorbidity sa Tagaytay City Cavite. 


Isinagawa ang Vaccination rollout sa Tagaytay Internatiinal Convention Center.
Ito ay matapos na dumating sa lungsod ang nasa 833 vials ng sinovac vaccine nitong april 4.


Umaasa ang mga opisyal ng Tagaytay city Gov’t na mababakunahan na sa kanilang lungsod ang iba pa nilang mga kababayan na nagparehistro para makatanggap ng bakuna. 


Nagpapasalamat din ang mga opisyal ng Tagaytay City Cavite sa mga bakunang dumating at inilaan ng pamahalaan para sa kanilang lungsod.

Please follow and like us: