Panukalang gawing flexible ang working hours ng mga empleyado, pabor sa Labor Department

Pabor si Labor secretary Silvestre Bello III na gawing flexible time ang working hours ng mga empleyado.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ng kalihim na malaki ang maitutulong nito sa isang empleyado at maging sa kaniyang employer dahil mababawasan ang gastusin sa parehong panig.

Malaki rin aniya ang maitutulong nito sa daloy ng trapiko at mas magiging mataas pa ang produksyon ng isang kumpanya dahil mas magiging epektibo ang mga empleyado.

Magkagayunman, dapat maging malinaw ito sa pagitan ng employer at employee.

Maganda ito dahil malaking bagay yan dun sa problema natin ng traffic congestion at saka makakabawas din sa expense ng ating mga employee. Pero kailangan na maging maliwanag din dito sa flexible hours na it must be agreed upon between the employee and the employer. Hindi pwedeng sapilitan”.

 

===================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *