8 bagong fireworks related injuries, naitala ng DOH

May 8 bagong fireworks related injuries pa ang naitala ng Department of Health hanggang 6am ngayong araw, Enero 5.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 181 ang kabuuang bilang ng kanilang naitalang nabiktima ng paputok, kabilang na rito ang 1 biktima ng stray bullet.

Ayon sa DOH, mas mataas ito ng 47% kung ikukumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2020.

Ang edad ng mga biktima mula 2 hanggang 74 taong gulang.

18 ang kinailangang i-amputate at may 45 na nagtamo ng eye injury.

Ayon sa DOH, 51% ng mga biktima ay dahil sa legal na paputok gaya ng kwitis at luces habang ang iba ay dahil sa boga, 5 star at iba pa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: