8 pinoy na una ng nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Pilipinas nakatapos na ng isolation

Kinumpirma ng Department of Health na nakatapos na ng isolation ang 8 pinoy na una ng nagpositibo sa COVID-19 padating sa Pilipinas galing sa China.

Tiniyak naman ni DOH-Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na wala ng sintomas ang ilan sa mga ito.

Hindi rin naman aniya lahat sila ay nagkaroon ng sintomas, habang ang iba mild lamang ang naranasan.

Una rito, nakumpirma sa ginawang genome sequencing na 3 sa 8 ay nagpositibo sa B.7 omicron subvariant habang ang isa naman ay sa BA.5.2.

Ang BF.7 ang sinasabing dahilan ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa China.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *